Monday, October 31, 2016

OFW, Uuwi ka ba ngayong Pasko?


10K Cash Out, NO Downpayment 

10K lang ang reservation at ZERO Downpayment. Ang gaang hindi ba?
Ang ibig sabihin nito kayang kaya mo ito ma avail.  Karamihan sa mga
matagal ng nagrerent natatagalan makabili ng bahay dahil sa malaking
downpayment. Nag iipon muna sila pero dahil madaming insidente ang
nangyayari nagagalaw din ang naipon kaya mas natatagalan ang pagkuha
ng bahay.

Less 3% Discount on Total Contract Price (TCP)

10K na nga lang ang cash out, nagbigay pa ng discount ibig sabihin
mas pinababa pa, mas ginawa pang affordable para sa iyo.


FREE Motor thru Pag-ibig

Kapag nakapag submit ka ng complete requirements, seven ( 7 ) days mula
sa date ng reservation mo ( based ito sa OR date ) entitled ka sa FREE Motor.
Bibigyan ka ng stub na katunayan na entitled ka sa FREE Motor.
Ibig sabihin may wheels ka ng gagamitin sa loob ng Bella Vista.
Makukuha mo ang FREE Motor kapag take out na ang housing loan mo sa
Pag-ibig at nakabayad ka na ng first monthly payment mo.



Pahabol:

Pero ang pinakamaganda sa lahat nito ay madali kang makakalipat sa iyong nabiling
townhouse unit.


Nagustuhan mo ba?
May tanong ka? Check mo ito Click here
Magpa schedule ka na ng site viewing?

tawag na 0917-489-4465 SMS/Viber/Whatsapp


#DecaHomesCavite

Thursday, October 20, 2016

Top 8 Things To Consider In Buying Your First Home

Mga mahahalagang bagay na dapat mong alamin kapag ikaw ay bibili ng bahay.

Ang mga information na ito ay galing sa survey na ginawa ko sa facebook.




1. Affordability.

    Karamihan kasi sa mga kababayan natin hindi kaya ang mataas na downpayment. Ang ginagawa ng mga marketing arm ng developer, hinahati ang payment ng downpayment
sa isang ( 1 ) taon o dalawang ( 2 ) taon. Karaniwan ito sa mga preselling units o yung hindi pa gawa ang mga bahay. Madalas nasa stage pa ng land development. Ang advantage nito
ay affordable siya at tamang tama, fully paid na yung downpayment mo by the time na gawa na rin yung bahay mo.

    Meron din naman mga promo gaya ng 10K Cash Out Lipat Agad, 3% DP Lipat Agad,
10% DP Move-In Ready. Maghanap ka lang ng mga ganitong promo. Yung mga kagaya nito ay karaniwan resale units kaya mas maganda kung ito ang itong makikita at makukuha.
Tingnan mo ang promo namin click here #DecaHomesCavite
 
    

2. Location

 Maganda ang location ng property depende din sa purpose mo. Kung ang pinaka kinoconsider ang future value ng property, mas maganda kung ang kukunin mo ay yung nasa city, main road. Check mo din ang mga future developments. Ito ang magpapataas ng value ng property mo. Kung for rental naman o passive income, piliin mo yung mataong lugar at maraming business establishments.


3. Malapit at accessible sa transportation

Kung 24 hours ang byahe sa property, mas maganda ito o kaya naman malapit sa ganito.
Noong unang panahon, nagtatayo sila ng mga bahay sa may malapit sa dagat o ilog upang mas madali ang pagbyahe o pagpunta sa ibang bayan.  Sa panahon ngayon na kalsada ang pangunahin ginagamit ang pagbyahe mas maganda kung malapit o nasa main road ang kukunin mo. Mas maganda ito dahil madali kang makakapunta sa ibang lugar para iba't ibang gawain gaya ng pag pasok sa iyong trabaho at iba pa.


4. Malapit sa mga palengke o pamilihan

Importante din na malapit sa mga pamilihan kahit pa ito at tyangge,talipapa, o malaking palengke.  Mas maganda ito dahil hindi mo na kailangan mag imbak ng maraming pagkain at mga kagamitan.


5. Spacious units

Maraming socialized housing. Ito yung mga nagkakahalaga ng 450,000 pababa. Affordable
ang mga units na gaya nito na may 2,000 to 3,000 monthly kapag thru pag ibig, mga 21 to 32 sqm amg sukat nito. Perfect para sa mga minimum income earners yung nga lang may kaliitan ito tama lang sa bagong kasal o mga bagong pamilya. Kadalasan, walang restriction sa mga units na ganito. Pwede kang gumawa ng tindahan, pagawan ng second floor o third floor ang bahay mo, pwede sa mga units na ganito.


6. Cleanliness

Dito dapat active ang mga homeowners association lalo na sa paghahakot ng basura at may programa na pangkalinisan sa kapaligiran lalo na sa mga common areas gaya ng club house, basketball court, side walk at yung mga main road at inner roads. Kasama na din dyan ang maayos na drainage. 


7. Freedom from crime

Sa mga medyo high end, napaka ayos ng security.  Kung hindi man katulad nun ay wala man lang mga nakawan o gulo sa loob ng subdivision. Maganda yung may security na nagchecheck ng mga papasok na sasakyan ng 24/7. Kapag may sticker ang mga sasakyan ng mga homeowners, maiiwasan ang mga gulong hatid ng mga dayo. Yung ibang subdivision mayroon na ding CCTV. Isa din ito sa mga tool para mabawasan ang krimen.


8. Construction quality

Kung kayo ay bibili ng bahay, subukan mo ang ahente kung alam niya ang kalidad ng kanilang binebenta. Kung hindi naman nya alam, pwede kang pumunta sa engineering office sa mismong site kung saan ginagawa ang bahay.  Pwede mo din panoorin ang mga bahay na ginagawa ( kung pinapayagan ). Sa mga preselling units, mas maganda binibisita ang magiging lokasyon ng inyong unit hanggang sa makita mo ang pag gawa nito.


Sa bawat item na ito, gumawa ka ng rating. 1 ang pinakamababa, 10 ang pinakamataas
kung umabot sa 60 to 70 ang score mo, mataas na ito at pwede ng iconsider.

Nakatulong ba sa iyo ito?
Comment naman sa baba o baka may idadag ka?

Check my other blog about avoiding mistakes in buying a house and lot. Thank you

3 Reasons Why You Should Buy Your House Now!


http://ow.ly/v4gc305pUmp



We've got 3 benefits for you.

10K Cash Out, NO Downpayment 

10K lang ang reservation at ZERO Downpayment. Ang gaang hindi ba?
Ang ibig sabihin nito kayang kaya mo ito ma avail.  Karamihan sa mga
matagal ng nagrerent natatagalan makabili ng bahay dahil sa malaking
downpayment. Nag iipon muna sila pero dahil madaming insidente ang
nangyayari nagagalaw din ang naipon kaya mas natatagalan ang pagkuha
ng bahay.

Less 5% Discount on Total Contract Price (TCP)

10K na nga lang ang cash out, nagbigay pa ng discount ibig sabihin
mas pinababa pa, mas ginawa pang affordable para sa iyo.


FREE Motor thru Pag-ibig

Kapag nakapag submit ka ng complete requirements, seven ( 7 ) days mula
sa date ng reservation mo ( based ito sa OR date ) entitled ka sa FREE Motor.
Bibigyan ka ng stub na katunayan na entitled ka sa FREE Motor.
Ibig sabihin may wheels ka ng gagamitin sa loob ng Bella Vista.
Makukuha mo ang FREE Motor kapag take out na ang housing loan mo sa
Pag-ibig at nakabayad ka na ng first monthly payment mo.



Pahabol:

Pero ang pinakamaganda sa lahat nito ay madali kang makakalipat sa iyong nabiling
townhouse unit.


Nagustuhan mo ba?
May tanong ka? Check mo ito Click here
Magpa schedule ka na ng site viewing?

tawag na 0917-489-4465 SMS/Viber/Whatsapp


#DecaHomesCavite

2 Benefits ng Deca Homes Plus

Deca Homes Plus



  Good News para sa mga homeowners ng Deca Homes. Makaka avail kayo nitong

  Deca Homes Plus Life Insurance + Mutual Fund kapag kinuha nyo ang unit nyo thru

 staight in-house financing. At ma aavail mo ito with out extra cost mula sa iyo.

 Ang ganda dba? May Life Insurance ka na worth 500,000 bukod ito sa MRI  o yung

 Mortgage Redemption Insurance na kasama sa monthly payment mo. Bago ito dahil

mahal namin kayo, sinamahan pa namin ng mutual fund na makukuha upon full payment

ng unit mo that is after ng term mo say after 20 years. Details will be discuss upon

orientation or you can contact me. Remember para lang ito sa straight in-house financing.


#Deca Homes




Monday, October 3, 2016

No Downpayment 10K Cash Out Promo Extended






Dahil marami pa ang gustong humabol, naextend pa ang promo para sa Bella Vista.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Tawag Na! 0917-489-4465 o click https://goo.gl/kqKAhL

Thursday, September 29, 2016

Bakit Marami Ang Bumibili Ng Bahay Sa Cavite Ngayon?


Narinig nyo na ba ang Mega Manila? Ang Cavite ang tinaguriang Mega Manila.
Marami na ang mga development projects ng gobyerno ngayon.
Isa dito ang LRT 1 Cavite Extension na magmumula sa Baclaran hanggang Niog, Bacoor,
Cavite. P65 billion ang halaga nito na may 11.7 Kms ang haba.


"Tolentino said that they would add 120 light rail vehicles for the extension project.

The project would add 11.7 kilometers railway line from the Baclaran terminal. It would also add eight new passenger stations."


Source: http://newsinfo.inquirer.net/574308/lrt-1-cavite-extension-to-be-completed-in-q1-of-2019#ixzz4LfOnQsgn


LRT 1 Cavite Extension posted by InterAksyon
Video courtesy of the Light Rail Manila Corporation (LRMC).



Ang ibang projects ay ang CALAX na ipapakita ko din sa inyo.
Abangan ang mga post na gaya nito...


#Deca Homes











Bakit Marami Ang Bumibili Ng Bahay Sa Cavite Ngayon?


Narinig nyo na ba ang Mega Manila? Ang Cavite ang tinaguriang Mega Manila.
Marami na ang mga development projects ng gobyerno ngayon.
Isa dito ang LRT 1 Cavite Extension na magmumula sa Baclaran hanggang Niog, Bacoor,
Cavite. P65 billion ang halaga nito na may 11.7 Kms ang haba.


"Tolentino said that they would add 120 light rail vehicles for the extension project.

The project would add 11.7 kilometers railway line from the Baclaran terminal. It would also add eight new passenger stations."


Source: http://newsinfo.inquirer.net/574308/lrt-1-cavite-extension-to-be-completed-in-q1-of-2019#ixzz4LfOnQsgn


Halika tingnan nyo ang video ng LRT 1 Cavite Extension




LRT 1 Cavite Extension posted by InterAksyon
Video courtesy of the Light Rail Manila Corporation (LRMC).



Ang ibang projects ay ang CALAX na ipapakita ko din sa inyo.
Abangan ang mga post na gaya nito...











Tuesday, September 13, 2016

10 Steps HOW TO RESERVE in Bella Vista



1. Gawin ang self assessment


    Alamin mo sa sarili mo kung decided ka na bumili ng bahay. 

    I assess mo din ang kakayahan mo sa pagbabayad ng

    downpayment at monthly payment.

    Pwede mong hingin ang tulong ng iyong agent o kapamilya sa

    bagay na ito.

    Kung okay na?


   Go tayo sa next step.


2.  Alamin ang mga requirements para sa Pag ibig Housing Loan


    Kapag alam mo na, simulan mo ng kumpletuhin ito. Sabihin mo

    sa agent mo kung kumpleto na at handa ka na. 

    Kung may kulang, sabihin mo sa kanya at

    alamin kung paano ka nya matutulungan.

    Ihanda at dalhin sa site orientation at site viewing.


    Kung okay na, next step tayo.


3. Mag set ng schedule for site viewing at pag attend ng site orientation.

   Siguraduhin na complete o almost complete na ang mga requirements.


4. Umatend sa On Site Orientation


    Dalhin mo lahat ng mga requirements na kailangan dalhin

    upang hindi pabalik balik.

    Tanungin mo na lahat ng information na kailangan mo sa

    agent mo bago ka pumunta dito.

     

    I compare mo lahat ng information na malalaman sa nalaman

    mo mula sa agent mo at sa orientation na ito. 

    Mabuting dumaan sa procedure na ito para maiwasan

    ang "misrepresentation" kaya huwag ipagwalang bahala.

   *Kung ikaw ay OFW at ang umatend ay ang iyong atty in fact o relative
   
    mas maganda kung ipa record ang orientation para walang ma miss na isyu

    at ipadala sa iyo ang video.


   
5. Tingnan mo na ang unit na ipapakita sa iyo ng agent mo.


    Kung nakapili ka na at satisfied ka sa unit, ibigay mo na

    sa agent mo ang mga requirements.

   * Kung ikaw ay OFW at nasa abroad, ipavideo mo sa atty in fact o relative o

    sa agent mo ang unit at isend sa iyo.



6. Humingi ng sample computation sa coordinator


    Kung malinawag lahat ng item dun, magpa print na ng

    Disclosure Statement.

    Nakasaad sa disclosure lahat ng babayaran at kung kelan,

    yung unit na napili mo.


7. Mag fill up na ng Loan Documents


    Dalawa ito. Ang isa ay para sa in house at isa naman ay

    para sa Pag ibig.

    Kaya kailangan ng dalawang kopya ng mga requirements mo.


    Kung tapos na, Go tayo sa next steps.



8.  Evaluation at Interview


    Aayusin ng coordinator ang mga papel mo at ipipila ka sa

    evaluation at interview.

    Ginaganap ito sa Marketing Office.

    Magtatanong sila at iko confirm lahat ng inyong   sinulat

    Dito na rin ino audit kung kumpletong nasulatan ang mga

    papeles.

    Malaman mo din dito ang iyong schedule of payments sa

   in house at pag ibig.


9. Pay the reservation fee sa cashier


    Make sure na makuha mo ang OR at itabi ito at huwag iwala.


10. Tapos na. Hintayin ang tawag ng Accounting Office para schedule ng orientation

      para sa pag take out!



     Congrats! May bahay ka na!  



    Nakatulong ba sa iyo ito?

  











Wednesday, August 10, 2016

8 First Time Homebuyer Mistakes at Paano Ito Maiiwasan


https://goo.gl/fWEVmS



Ready ka na ba bumili ng bahay dahil sawa ka na sa palipat lipat ng bahay na nire RENTahan? Malamang ready ka na kasi may regular kang trabaho o OFW ka na ngayon.

Kung ready ka na?

Tingnan mo itong ilang tips!



1. Hindi Inaalam kung Kaya na

Madalas sila yung mga kasama sa tripping at napapagaya lang. Pwede naman basta alamin mo lahat ng fixed monthly expenses mo kung may sobra pa sa sweldo mo, ito yung dapat na pang monthly mo sa bahay na kukunin mo.

Sila din yung sobrang dami ng nakausap kaya hindi na matandaan kung sino at ano nga ba ang binibili.  Sila din yung impulse buyer kaya madalas hindi na tinutuloy after ng reservation.


2. Hindi dumaan sa Evaluation

   Bago magreserve, pinapakita yung magiging cash out mo ngayon at sa mga susunod pang buwan at taon. Ang tawag dito ay Disclosure. Kung hindi pinakita sa iyo o hindi ka binigyan, obligasyon mong alamin.


3. Na convince ng mga FREEBIES

   May mga Free items na sinasama, pero huwag naman ito maging dahilan para magdesisyon kang bumiling bahay mo. Stick with your purpose na bahay ang bibilhin mo at bonus na lang kung may mga FREE items. Nangyayari ito madalas sa open house. Lalo na kung mababa ang reservation fee at may Freebies pa.  Kapag nag start na ang monthly payment magigising na lang hindi pala kaya ang monthly payment kaya ang resulta, back out. Sayang naman ang reservation fee. Sayang naman ang downpayment. sayang naman dahil non-refundable ito.   

4. Hindi kasama sa pagdesisyon ang partner o spouse

   Kung ikaw ay may asawa, hindi ito pwedeng maging sorpreso maliban na lang kung babayaran mo ng cash ang total price. Magiging conjugal property ito kaya kasama siyang pipirma sa mga loan documents lalo na kung thru pag-ibig housing loan.

Mas maganda kung magkasama kayo sa site viewing para naman walang sisihan mangyayari kapag pirmahan na at bayaran.

May nangyayari kasi na si sir ang ang nagtripping tapos nagreserve. Heto na need na ni mam pumirma sa dokumento.  Hindi nya nagustuhan kaya nagiging dahilan tuloy ng hindi pagkakaintindihan.  Ang ending, back out.

5. Hindi sinasabi ang totoong status

   Kapag nag uusap mukhang okay ang lahat. Nagsisimula lang madiskubre kapag kailangan ng pumirma ng mga dokumento. Madalas mangyari ito. Separated na pala o matagal ng hindi magkasama. Kapag kinasal ka na, need na ng spouse mo pumirma din sa documents kahit matagal na kayong hiwalay lalo na kung thru  pag ibig. Kung ganito ang case, need natin ng legal documents. Marami akong case na ganito na hindi na tumutuloy kasi ayaw nya maging kahati yung ex nya. Kung ganito ang case mo, kontakin mo ako.


https://goo.gl/fWEVmS
6. Hindi nag site viewing

   May mga nangyayari din na sobrang tiwala sa agent o sa AIF ( representative ng buyer, mostly relative na binibigyan ng SPA - Special Power of Attorney ), hindi na inaalam ang tunay na porma ng bahay. Sa case ng mga RFO, kung ikaw ay OFW, humingi ka ng pictures o video ng bahay. Sa case naman preselling unit, kahit video o picture ng model unit mula sa iyong inauthorized na relative.




7. Kulang sa Pagpapahalaga sa Importanteng bagay

   Madalas lalo na sa first time home buyer, pagpapaganda ng bahay ang unang ginagawa. Nagpagawa ng gate, pinaganda ang excess na lote, binilhan ng mga mamahaling furnitures at appliances, kinabitan ng aircon. Okay lang itong mga ito kung may sapat na naitatabi para sa monthly payment. Madalas kinuha itong 25 years o 30 years to pay kaya hinay hinay lang.

8. Hindi Pumili ng Reliable at Experience Agent

Hindi porke nirefer ni pare o mare ay reliable na. Need mo din gumawa ng sariling research kung ano na ba ang nagawa ng agent mo. May experience na ba siya o ikaw ang una niyang sale? Okay lang na baguhan siya kung ang binibigay sa iyong information ay tama.  Walang problema dyan.  Itong agent mo ba nandyan lang sa kung magrereserve ka at kung may problema na hirap ng ma contact?


Pag aralan ng husto at kumuha muna ng sapat na information bago tumuloy.
Kumuha din ng sapat na information kung bakit HINDI tutuloy. Hindi pare pareho ang experience ng bawat isa. Ang nangyari kay Juan ay hindi nangyari kay Pedro
kaya huwag makinig sa sabi sabi. Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon.



Nakatulong ba sa iyo ito?
Kung may tanong ka? mag email sa obiznez@gmail.com
Please Like & Share my facebook page
Pwede din magtext sa aking Globe/Viber/Whatsapp: 0917-489-4465


Tuesday, July 19, 2016

Taxi Driver, 10 years nangungupahan, may bahay na!

Taxi Driver, 10 years nangungupahan, may bahay na!


"Sa awa ng Diyos, nakapagpatapos na din ako ng college! 

Graduate na ang anak ko. Ngayon, nag aapply siyang call center. 
Siya na lang ang inaasahan kong mag aahon sa amin sa kahirapan. 
Gaya nito,wala pa kaming sariling bahay, ten (10) na kaming 
nangungupahan sa isang apartment sa Pasay.  Matagal ko ng pangarap magkaroon ng bahay.
Hindi lang ako pasado sa mga dokumento na hinahanap nila."


Ito ang sinabi ng isang matandang Taxi driver na nasakyan ko noong December 2015.
Mejo nagmamadali ako nun papunta sa isang meeting pero dahil sa coding ako, nag Taxi
ako... syempre iwas huli.

Mukhang straight na Taxi driver si manong kaya sinimulan kong makipag usap.
Nakipagbiruan na din ako.  Napili ko pa ngang biro ay yung "nasan ang peanut butter mo, manong?"
Naalala ko kasi yung na feature sa Jessica Soho na Taxi driver na nagtitinda ng peanut butter.
Mejo natahimik si manong. Sabi nya, hindi kasi stable ang kita ng Taxi driver kaya kelangan
ng ganun sideline. Bilib din sya sa diskarte nung Taxi driver na pinag uusapan namin. Napanood
din daw nya yun.

Dun na nagsimulang si magkwento tungkol sa anak na ginapang nya ang pag aaral
hanggang sa makatapos. Madami na daw naapplyan na pero hindi pa natatanggap.
Mukhang mataas ang chance na makapasa sa call center kasi final interview na daw eh.
Nakangiting kwento ni manong habang kumakabig pakanan sa kalsada.


"Bumili ako ng bahay nung empleyado pa ako. Mejo matagal din ako nagbayad para sa
downpayment kaya lang hindi ko na natuloy bago ko pa mabayaran ng buo yung down payment.
Nagsara kasi yung kumpanya kong pinagtatrabahuhan eh. Binalikan ko yung kausap ko para
alamin kung pwedeng mabawi yung mga binayad ko. Sabi nya, hindi daw pwede. Two (2) months
na lang tapos ko na yung downpayment. Ituloy ko na lang daw. Wala kasing refund.
Hinihingan pa ako ng mga bagong dokumento kasi expired na daw, updated daw dapat."
ito pa ang dagdag nya.

Kung sa ngayon, gusto nyo bang magkabahay? tanong ko kay manong. Syempre kaya lang wala
na akong maisasubmit na requirements eh. ID meron. Yung iba wala na, saka may edad na ako.
Nagba "boundary" lang ako sa gamit kong taxi."  Tinanong ko siya kung magkano ang take home nya
per day yung malinis na kaltas na yung boundary at pa gas. Sabi nya kapag maswerte 1,500 pataas
kapag naman mahina 800 pababa. Sabi nya pa kung coding lang siya nagpapahinga.
Nagsimula na akong mag compute sa utak ko. Kung pinakamababa 800 at pinaka mataas 1500, kunin
natin ang average, so 800+1500 =2300 divided by 2 equals 1,150. Tinanong siya kung safe ba
sabihin na may average take siya ng 1,000 to 1,150. "pwede"sagot nya. Math uli. Kung 1,000 average
daily income nya time 26 days kasi may coding, pwedeng 26,000 ang monthly nya. Kung 1,150 x 26 = 29,900.
pwede sabi ko sa kanya habang pinapaliwanag ko na 26,000 to 29,900 ang posibleng kita nya buwan buwan.
Napangiti lang sya.

Buti na lang traffic dito sa Aguinaldo Highway at nakapag math pa kami. Sabi ko pa, kung 29,900 ang
kita mo buwan buwan, pwede kang makabili na bahay. Kung may requirements ka, gugustohin mo bang
bumili ng bahay? Oo, bakit hindi? May anak, kapatid, pinsan o kaibigan na pwedeng ipagamit sa inyo
ang pag ibig nya? Hindi ko alam kung papayag sila. Ganun ba, sino po ang nasa isip nyo ngayon?

Yung pamangkin ko na nagpapasok sa anak ko bilang call center. Nakatulong din ako sa kanya dati nung
ng nag aaral pa siya. Siya yung nasa isip ko. sabi ko, subukan kausapin at tawagan nya ako kung
ano ang resulta. Dahil malapit na akong bababa kaya kinuha ko na lang ang number nya at
binigay ko din ang number ko.


Halos three (3) months din ang lumipas na hindi ko nakausap si manong.

Monday, July 18, 2016

"Pinapaalis na kami sa inuupahan namin"



ito ang sinabi sa akin nung nag site viewing kami. 
Kaya naman nagmamadaling silang makalipat.
Dinala ko sila sa mga units na gawa na at resale. 
Dahil resale units konting repair na lang ang kailangan 
at posibleng makalipat agad sila in one to two weeks.
Inalam nya ulit sa akin ang lahat ng requirements at 
sinimulan namin sa mga IDs, payslip at proof of billing 
na dala nya. Nag fill up na din siya ng loan documents.
Matapos mag fill up, nagbayad kami sa cashier para sa 
kanyang reservation. Pagkatapos nun, habang hinahatid 
na namin siya parang nakahinga na siya ng maluwag. 
Alam mo yung hitsura ng tumakbo ng matulin tapos huminto. 
Ganun ang pakiramdam nya. Dun na siya magsimulang magkwento.
"Pinapaalis na kami” ang panimula nya ulit. 
Pinapaalis na sila sa susunod na buwan at sinabihan sya na 
pwede nilang magamit yung kanilang deposit. 
Pero makalipas ng dalawang araw pagkatapos syang sabihan, yun na. 
Nagulat na lamang sila ng binigyan sila ng isang linggo 
para makahanap ng malilipatan. Wala silang magawa dahil 
gagamitin ng kamag anak ng may ari ang bahay na inuupahan nila.
Pakiramdam nya para silang nasunugan kasi biglaan ang lahat. 
Ang pagkakaiba lang kapag nasunugan ka minsan wala ka ng 
maililigtas pero kapag ganito may pagkakataon ka pang maghanda 
kahit konting panahon. Magdudugtong pa sana ako ng parang 
naterminate sa trabaho pero napansin ko nagsimula ng tumulo 
ang kanyang luha. Sa simula kaunti habang tumatagal medyo 
garagal na ang kanyang boses yung parang parang batang inaapi 
habang nagkkwento.
Tiniis daw nila ang pagtira doon kasi naman, tuwing nagigipit 
daw ang may ari lagi silang kinukunan ng advance payment. 
Dahil sa hindi naman sila makatanggi, binibigyan na lang kaya 
ang nangyayari sila ang naghihigpit ng sinturon dahil nasisira 
ang budget nila. May mga time pa nga na two (2) times na lang 
silang nakain sa maghapon.
Nanghihinayang din siya dahil ang daming improvements ang 
nagawa na nila dun. Sila ang nagpa tiles ng flooring ng buong bahay 
kasi naman napamahal na sa kanila yun. Binago din nila ang wall painting. 
Light green kasi ang kulay nun, pinaalam naman nya bago nya gawing kulay cream. 
Pinalagyan din nya ng shower ang toilet nila. Malaki talaga ang panghihinayang nya 
lalo na ng naalala nya na tatlong taon na pala sila dun.
Kada taon tinataasan daw sila ng renta. Nagsimula daw sila sa 4,000. 
Nang sumunod na taon naging 4,500 at naging 5,000 na nga. 
Naghanap sila ng mauupahan pero hinihingan sila ng one month advance 
at two month deposit. Tapos gastos pa sa paghahakot. 
"Nakaka stress"sabi nya. Kaya nasabi nya mas maganda siguro 
kung may sariling bahay na sila.

Marami na silang ads na nakikita sa facebook at meron din mga flyers. 
Hindi nila pansin lalo na yung mga inaabot sa kanilang flyers sa mall, 
sa palengke at sa kalye. Hindi sila naniniwala sa mga Lipat Agad 
pero sa pagkakataon na ito kelangan nila kaya naghanap sila sa 
facebook ng Lipat Agad at nakita nila ang ad ko.
Kaya naman ng makita nila ang ad ko tinawagan nila agad ako. 
Nakita nila na medyo mababa lang ang kelangan ilabas o downpayment. 
10K lang kasi Lipat Agad eh. Nakita din nila na madaling makalipat at 
sa Cavite din ang lokasyon. Kaya naman hindi sila nagpatumpik tumpik 
pa at nagpa set agad ng tripping.
Isang taon na pala ang nakalipas. Naalala ko nung bagong lipat sila. 
 Hindi na nila talaga pina ayos. Linoleum lang ang kanilang flooring at 
hindi na din nila pinalagyan ng rooms o partition. Pero ngayon maayos na ang lahat.
Nasabi ko sa kanya nitong huling dalaw ko na meron palang batas 
sa pagrerenta pero ang sagot nya sa akin mas maganda na itong naging 
aksyon nila kaysa makipag talo pa. Tatagal lang at baka magastusan pa 
sila bukod sa abala!
Sabagay, napag isip isip ko tama ang naging kilos nya. Napaka”mature” 
ng pag iisip nya. Pinapakita lang nya na mas mahal nya ang sarili nya 
kaysa mag create pa sya ng panibagong problema. Panibagong sama ng 
loob nga naman yun kung hindi din sya mananalo laban sa landlady nila. 
Humahanga ako sa iyo sa pinili mong sulosyon dahil permanente ito. 
Masaya akong i share ang kwento mo sa iba upang gayahin at magkaroon 
din sila ng katiwasayan.
Salamat naman at naging bahagi ako ng pagbabago sa kanilang buhay.
Kung nakarelate kayo comment naman sa baba. Kung kayo ang nasa 
katayuan nila, ano ang gagawin nyo? 

Ganun ba ang gagawin nyo o gagamitin nyo batas at ipaglalaban 
ang sitwasyon nyo. Kung may istorya na katulad nito, share naman.






original story: #GilCeriola Jan. 13, 2016
email: obiznez@gmail.com
globe/viber/whatsapp: 0917-489-4465





PS.
Kung naghahanap kayo ng townhouse o condo sa Cavite o saan man, 








Free Motorcycle Testimony:

Read my other blogs:




Canteen owner nakakuha ng bahay kahit walang pag ibig

 
Bago lang din ang canteen ko kaya wala pa din akong mga requirements na maipapakita.
Decided na akong magkabahay, pwede mo ba akong tulungan?"

Ito ang mga chat messages sa akin ni Luisa sa facebook. Sa sitwasyon nya t'yak
na hindi siya pasado dahil nga wala siyang mga requirements para sa pag ibig housing loan.

Nagpatuloy ang aming chat. Tiningnan namin ang mga options na pwedeng gawin.
Sinimulan namin sa asawa nya, sumunod ang mga kapatid nya. Hanggang sa masabi nya sa akin
na ang kapatid nya sa probinsya ay may work, may asawa at matagal ng pag ibig member.

Napako ang aming atensyon sa kapatid nya. Napagkasunduan namin na subukan n'yang tanungin kung papayag na gamitin yung mga papeles ng kapatid nya sa pagkuha ng bahay. Sinabihan nya ako na kinabukasan bibigyan nya ako ng feedback.

Kinabukasan, natutuwa siyang binalita sa akin na pumayag ang kapatid nya. Ibinigay ko sa kanya
ang lahat ng mga papel na dapat niyang papirmahan at listahan ng mga requirements na kailangan.

Makalipas ang apat (4) na araw, hawak na nya ang mga original requirements at ang pirmadong
loan documents.


Pero mayroon pa kaming kulang na isang requirement, ang checking account. Need n'ya din
magsubmit ng nine (9) post dated checks.

Nagsimula na naman kaming "magbrainstorm" kung ano solusyon.
Sa isang malinis na papel, sinulat ko ang aming challenge
"Paano magkaroon ng checking account?"
Sumulat ako ng 1 to 5 at isa isa kong pinunan ng aming naiisipan.
1. Mag open siya ng checking account
2. Mag open yung kapatid nya na nasa probinsya ng checking account
3. Manghiram siya ng checke
4. Mag open yung kahit sinumang kamag anak nya na may trabaho o negosyo 
5. Mang hiram ako ng checke 

Una, pwede siyang mag open ng checking account sa aming tie up na bangko. Naisip namin na
kulang sya sa requirements kaya bagsak ang option na ito.

Ikalawa, pwedeng mag open yung kapatid nya, mag open sa probinsya ng checking account?
pwede? mejo may kalayuan sa bayan yun bahay nila kaya hindi na namin inisip na gagawin n'ya ito. kung pumunta siya sa Cavite
Pumunta dito sa Cavite para mag open? naisip nya na hindi mag aabsent yun para lang
mag open ng checking account dahil sayang ang sweldo at mahal ang pamasahe kaya bagsak
din ang option na ito.

Ikatlo, manghiram siya ng checke sa kamag anak o kaibigan. Pinasulat ko sa kanya ang mga
posibleng pwede. Mula sa kapatid, pinsan, tiyo at tiya. Sa dami siguro ng naisulat kaya
nagdecide siya na gawin na ito.
 

Pagkalipas ng tatlong (3) araw, wala pa rin siyang feedback sa akin kaya minabuti
kong tawagan siya sa cellphone. Nalaman ko na hindi pa din siya nakakakuha dahil
nagbago ang isip ng kausap nya. Tinanong ko yung naging usapan nila at halatang naniniguro
yung kausap nya na hindi tatalbog yun checke n'ya kaya ang sabi ko sa kanya kung may
extrang pera siya, pondohan nya yung first two (2) checks na iisyu nya ng sa ganun hindi
mag alala yung kausap nya. Yun nga ang ginawa nya at kinabukasan nasa office na kami
para mag isyu ng checke.

Sa ngayon, nagpaparenovate na siya ng bahay nya. 

Meron na ding metro ng tubig at Meralco kaya tuwang tuwa siya 
dahil nung una naisip n'ya na hindi na siya magkakabahay. 
Ang sabi pa n'ya " sayang, kumuha muna sana ako ng 
pag ibig housing loan bago ako nag resign"

Kung katulad ni Luisa ang sitwasyon, pwede pa yan. 

Itanong mo sa akin, pag usapan natin.

Abangan nyo ang sunod kong kwento 

"Taxi Driver nagkabahay din" alamin kung paano nya ginawa ito.

Mag PM ka kung gusto mo ng kopya.


"Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Tama ba? "


Naka relate ka ba? 


Gusto mo na rin bang magkabahay?

Tingnan mo ito. >>>>click here

original story by Gil Ceriola
May 3, 2016

Saturday, July 16, 2016

Mga dapat alamin sa pagbili ng bahay at ng hindi mo pagsisihan sa huli.

Alamin kung paano maiwasan magsisi sa pagbili ng bahay.


“Sana hindi na lang ako nagreserve!”
“Sana hindi na lang ako  nagreserve! “
ito ang sinabi ng mother ng client ko na

nagreserve sa  bella vista.
Matindi ang pagsisisi at panghihinayang, dba?
Pagkatapos  kasi namin mag submit ng mga dokumento,
na check ng pag ibig team na expired yung job contract nya
( ibig sabihin naka anti dated pala ). 
2013 eh... hindi namin napansin yun at pinalala pa
ng sitwasyon, nandito  pa siya sa pinas.
Nung inalam namin, pinapirma siya ng job contract 
nung agency pero walang date na nilagay.
Nalaman pa din namin na ginamit  pala yun sa loan.

Dahil dito nagka gulo na lalo, nag desisyon na
huwag ng mag abroad yung aming client na ofw dapat. 
Kung ikaw? Ano ang gagawin mo?
Malamang ito  din ang sasabihin mo
“Sana hindi na muna ako nagreserve!”

Problema na ito dahil balak ng mag back out yung
mother ng client namin. Ayaw na nyang ituloy kahit
alam nyang hindi na nya mababawi ang pinang reserve nya. Mukhang decided na.

Ang sabi ko sa sarili ko, may solusyon ito. 
Kaya pinilit ko silang magbigay ng posibleng solusyon. Ang goal namin ay makapag submit

ng
lahat ng dokumento sa loob ng  pitong araw para
ma avail ang promo na FREE Motorcyle. 

Ito kasi ang  nakatawag ng pansin sa kanila kaya siya
nag inquire eh bukod sa talagang decided na silang bumili
na ng bahay kasi ayaw na nilang mangupahan.  

Habang nakatingin ako sa kanila, dama ko ang panghihinayang
sa mother ng  client ko.  Malamang masasayang ang pagkakataon
na makuha ang promo.   Balik ulit kami sa umpisa dahil naiba na ang status, OFW to

locally  employed.
Mabuti na lang at hindi pa nakakapag resign yung aming client
pero  may isa pang isyu. 
Ang sweldo nya kapag locally employed ay hindi sapat 
para sa required income o NDI ( Net Disposable Income ). 

Whew! panibagong obstacle.  Naisip namin kasama yung
mother nya na idagdag yung kapatid nya na may trabaho din.
Pwede kasi kung single pa, kinoconsider ang kapatid
at pasok sa houshold income.

Kinausap namin yung kapatid. May panibagong obstacle
kasi hindi pa 24 months ang contribution ng kapatid
nyang babae!   12 months pa lang.

Patay tayo jan!  Mukhang bawi na naman yung mother ng
client namin!  Sabi ko icheck nya sa HR at i confirm
sa pag -ibig.  Kung kulang baka pwede i LUMPSUM yung
natitirang 12 months. Kung ganito, qualified na siya
sa  Pag-ibig housing loan. 

Sa wakas!  Ginawa din nila!  Bumalik sa pag ibig office
at sinabi sa kanila na need ng approval ng admin.  
Pagod na pagod na yung mother nung client ko sa paglakad nito.  
Mahaba din kasi ang pila dun.  Mukhang suko na! 
Sising alipin siya at  nasabi ulit na sana hindi na
muna ako nagreserve.  

Malapit na masolve pero mukhang susuko na.  Naikwento nya
kasi sa akin na hindi na sila nakapag tanghalian sa
pag aayos nito. 

Bumalik silang mag asawa kinabukasan sa pag ibig at sa wakas,
hawak na  nila ang updated ESAV. Ibinigay nya sa akin na todo
ang ngiti. Yung mukhang sobrang saya na para bang nanalo
sa Lotto ng Jackpot prize.  

Whew! Akala ko bawi na naman eh! Laban pala! 

Kapag gusto talaga, maraming paraan, hindi ba? Kapag may problema,
may solusyon! Problem solve! Mission accomplished.

Naisubmit namin ng mas maaga at na avail nila ang promo
na FREE  motorcyle. Nakalipat na sila ngaun sa bagong bahay
nila at hinihintay na  maapprove ang pag ibig housing loan para makuha ang kanilang

motor. Sa  first 3 to 4 months kasi
in house financing eh.  Gawa na kasi ang bahay at pwede ng lipatan.

  
Ang lesson namin dito:

Hindi talaga straight  line ang point A to point B. 
Ang ibig kong sabihin, may mangyayari talagang hadlang
lalo na kung hindi ka handa sa pagkakataon o  opportunity gaya ng "10K reservation lang

Lipat Agad May FREE Motorcyle pa" 

Malalampasan mo yan sa tulong ng mga taong napagdaanan na 
ang ganyang mga sitwasyon. Ang dapat mo lang gawin ay magtanong, 
magtanong ng magtanong hanggang sa maintindihan mo at matutunan mo.
 
Napakasarap sa pakiramdam na may na solve kang isyu.
Lalong napakasarap na malaman na may sobrang matutuwa
na ma solve mo ito.  

Subukan mo din humingi ng tulong at magpatulong ka. 
Karamihan kasi sa  tao ayaw na ayaw na tinutulungan sila. 
Humility o magpakumbaba ka! Kung ayaw mong magpatulong,
natitiyak ko na ayaw mo din tumulong.  

Pahabol:
May bad experience kasi ang mother ng client namin.
Nakapag deal na  siya noon sa ibang mga pabahay at
may mga problema din sila sa dokumento  dahil ang mga
nakuha niya yung hindi pa gawa kaya may kasama ng 
pagkainip. Matagal kasi bago makalipat. Dahil sa ganitong pakiramdam,  pinababayaan na

lang kaya talo.
Talo ang ang kanilang binigay na  downpayment. 

Ika-apat na palang may ganito silang isyu. 
Salamat na lang ngayon ay  naiba na ang sitwasyon dahil nagtanong sila at hinayaan nilang

may
tumulong sa kanila. Humingi din sila ng tulong na
masolve ang problema  kaya ngayon nakabili na talaga sila
at nakalipat na!

 
Ikaw? Anong gagawin mo? Ganito din ba? 
Salamat sa tiwala!  Salamat at hinayaan mo kaming
tulungan ka!  

Sa sobrang satisfied ng mother ng client namin,
kumuha pa ulit sila ng  isa pang townhouse unit
sa pangalan naman ng isa pa nyang anak na medyo
malaki ang salary!

Salamat sa tiwala! 

Salamat at hindi ka bumitaw nung tayo nagkakaproblema
sa dokumento! 



Pahabol ulit:
 Sa mga nais magkabahay at walang oras, walang sapat na
dokumento, walang sapat na pera pero maparaan, 
subukan nyong  magtanong kung paano.  Alamin lahat ng
options bago mo sabihin na hindi  ko kaya yan! 
Hindi pa pwede!  Wala akong pang down!  Wala akong oras  para mag ayos nyan! 

Kapag nalampasan mo ito, malaking accompishment yan
para sa sarili mo. 

Start with a small step! Magtanong! ASK! 

Kapag nagawa mo ito, level up...
hanggang masabi mo sa sarili mo na KAYA KO PALA!  

Pwede nyo akong tanungin.  Kung ayaw nyo naman pwede din
sa mga kilala nyo na agent din!  

Ikaw!  Iniimbitahan kitang i share ang iyong success story
sa pagkuha ng  bahay.

Success story inpires!  Kung failed stories naman,
pwede mo din  ishare sa akin.

From failures, we learn our lessons! 


Send mo sa email  ko,  “obiznez@gmail.com”
Thanks in advance!




original story: Gil Ceriola  Jan. 8, 2016  


Read my other blogs:
http://bit.ly/helpmefind
http://bit.ly/ScamBaYan
http://bit.ly/NagsisiAko
http://bit.ly/pinapaalisnakami




Pahabol Pa Ulit:

Ngayon ay July 15, 2016 na at nabalitaan ko sa kanila natake out
na sila sa Pag-ibig.

"SCAM BA YAN?"


Madalas kapag mayroon tayong bagay na hindi naiintindihan
ito ang sinasabi natin.  Kapag sobrang maganda at irresistable ang
offer at gustong gusto natin, yung Too Good To Be True offer, ito
ang itatanong natin. 

Hayaan mong ikwento ko sa'yo ang nangyari sa akin tungkol dito.  

Pumarada ako sa isang kurbadang daan sa loob ng Bella Vista, Gen Trias, Cavite.
Mejo madilim na. Nakita ko si Makoy, dating OFW na asawa ni Shane.
"Nanjan si Shane sa loob" bati sa akin ni Makoy. Nang lumabas siya,  
inabot ko ang mga USB na may mga laman na movies na hiniram ko sa
kanya  bago sila magbakasyon sa Bicol.

Nakakatuwang isipin na malaki na ang iniunlad nila dito.
Two years na pala sila dito sa Bella Vista, Gen Trias, Cavite. Nakuha na nila
ang tatlong unit na magkakatabi. May tindahan na sila at 
nagsu supply sila ng mga softdrinks at beer sa mga tindahan sa loob ng  

BellaVista, Gen Trias, Cavite

minsan sa mga katabing subdivision. 
Mababa kasi ang price nila kaya marami silang customer.
Meron na rin silang mga sasakyan. Isang maliit na kotse at isang Innova.
May mga pang deliver na rin sila. Napaka swerte nila dito sa Bella Vista.
Ang bilis ng panahon dati akala nya scam kasi maliit lang ang amount
na ilalabas at in 7 days makakalipat sya,
“#ToGoodToBeTrue” sabi nga nya. 
Ngayon sya na mismo ang  nag iintroduce sa mga friends nya,
relatives at mga bagong kakilala kasi napatunayan na totoo at hindi scam ang kanyang

nakita o  nalaman sa aking Facebook Ads.

Natatandaan ko pa yung mga naging usapan namin nung nasa 

SMBacoor ako ng alas otso ng gabi.

Ganito ang naging usapan namin sa cellphone.

Gil: Hello, sino po sila?
Shane : Si Shane ito, magtatanong ako tungkol sa #ads mo
             dito sa facebook!  Nakalagay kasi dito
             " 20K lang Lipat Agad in 7 days".
              Totoo ba ito? Hindi ba ito SCAM?

Gil: Opo, totoo po yan. Promo kasi yan eh.
Shane: Kung makakapagbigay ba ako sa'yo ng 20K,
             makakalipat ba agad ako sa ika pitong araw?

Gil: Kung magagawa ko yan, magrereserve ba kayo agad?
Shane: Sige, puntahan natin bukas! Magkita tayo dun ng 9am.

Gil: Paki dala na din ang mga requirements n'yo at ang reservation.
Shane: Sige, pakitext mo.

Gil: Okay po.   

Natuloy kami. Nagkita kami sa Bella Vista Gen Trias Cavite habang sakay
sila ng puting  Van. Dinala ko agad siya, kasama ang kanyang asawa
at ilan pa na hindi  ko kilala sa model unit.
Nagustuhan nila ang porma ng living room. 
Mayroon malaking salamin sa likod nga dining table kaya 

nagmukhang malaki ang first floor. 
Sinilip ang toilet & bathroom. Nakikita ko ang ngiti nya. 

Tumuloy  sila sa kitchen area at pinansin ang kulay green 
na bubong na tumatagos  ang sinag ng araw. Mas lalong 
nagandahan.
 

Umakyat kami sa second floor at  derechong tinungo ang kwarto 
na may kama. Dahan dahan hinawakan ang  kama na parang iniisip 
nya na dun siya nakatira. Lumipat sa kabilang  kwarto.
Nakita nya ang disenyo nito ay pambata. May wooden horse, 
tokador na may children's books, mga toys na nagkalat din doon.
Nakangiti siya. Nasabi nya na para sa mga anak nya ang kwartong ito.


Pagkatapos nun tinungo namin ang available na unit at nagreserve sila.
Pumirma ng mga dokumento.

Tara samahan nyo ako tingnan natin yung nakita nila.









Pagkatapos nun tinungo namin ang available na unit at nagreserve sila.
Pumirma ng mga dokumento.

Pinakilala ko din siya sa aming project manager at
sinabi ko na ineexpect nya na makalipat in 7 days. 
Pinangako naman sa kanya ng pwedeng mangyari yun kasi
gawa na ang unit na napili nila.

Medyo sumablay kami kasi hindi agad sya na inform,
kaya nakalipat siya in ten (10) days.
Hindi na masama. Yun inaakala nyang SCAM, totoo pala.

Nakalipat na silang mag anak at nagkaroon na rin ng mga
bagong kaibigan ang mga anak nya.
Masayang masaya ako dahil naging maunlad ang buhay nila
dito sa Bella Vista, Gen Trias, Cavite



Ikaw! May bahay ka na? Papahuli ka pa ba?
May promo kami ngayon... 

at hindi ito SCAM! 
Siguro naman bilib ka na totoo itong sinasabi ko.

10K lang May FREE Motorcyle pa basta thru pag ibig>>>>>>click mo ito.
 

Free Motorcycle Testimony:
http://bit.ly/DriveYourHomeToPagIbig
http://bit.ly/SeamanFreeMotorcycle

Testimony:
http://bit.ly/1WkLipatAgad




original story: Gil Ceriola 
 Jan. 11, 2016  





#pinoyofw #buhaymarino #seamanslife  #seamanswife #pagibighousingloan  #rent2own

Wednesday, July 13, 2016

Pag-ibig ng OFW







Naalala ko nung nasa laot yung seaman kong buyer,nagkakaroon lang kami ng communication by using a viber. Free kasi kaya mas maganda kung ito ang gamit.

Nalaman kong binabawasan siya ng pag ibig contribution kaya lang nung tinanong ko siya kung ano ang pag ibig ID number nya hindi nya maalala.



Nagrequest siya sa agency nya sa Manila ng certification ng kanyang mga 
deduction sa pag ibig.  After 2 days, nasend na nya sa email ko at viber.
At that time, hindi pa namin napipili kung sino magiging representative 
(AIF -Atty in Fact o SPA ) nya kaya ako muna ang nag check. 

Karaniwan kasi pinapalakad namin ang pagkuha ng MSVS at ESAV o 
yung (SPA ) representative ang kumukuha pero sa case na ito wala pang 
pag ibig ID number o hindi namin tiyak kung meron o wala.
Pumunta ako sa pinakamalapit na Pag ibig office ( Pag-ibig Imus, Cavite )
at nagverify ako tungkol sa Pag ibig ID number nya. Lumabas na "no results found". 
Ibig sabihin wala pa siya.  Tinanong ko kung ano ang dapat gawin. 
Nagpunta ako sa isang room para sa new member. 
Mabuti na lang nasa akin na ang mga info nya kaya nakagawa ako 
at nakapagregister sa computer. Parang online din.

After 2 days, binalikan ko ang pag ibig branch at nakuha ko ang 
Pag ibig ID number nya.
Nang pumunta na ako sa room para makuha yung MSVS at ESAV, 
sinabi sa akin na kung saan nagreremit ang agency nila doon ako 
pumunta para kumuha ng MSVS at ESAV.  
( MSVS- Member's Status Verification Slip )
( ESAV - Employee Statement of Accumulated Value )

Pumunta ako ng Manila sa agency nila pero dahil hapon na at matratraffic ako 
kaya tinawagan ko na lang at nalaman ko na sa Buendia, Makati sila nagreremit. 
Hindi na ako aabot ka pinagpabukas ko na lang.

Kinabukasan, may tripping ako ng umaga kaya nagawa kong pumunta after lunch na. Matraffic sobra sa Makati, almost 2 hours ang byahe ko mula Cavite.
Dahil hinanap ko pa, lumagpas ako at sa wakas narating ko ang 
parking lot ng pag ibig office sa Malugay St. pero puno at wala akong maparkingan. 
Umikot akong muli at nakita ko SMJazzMall, tamang tama 
gutom na ako kaya dun na lang ako nagpark at kumain.

Pagdating ko sa Pag ibig office, malapit ng mag 5PM...
nag worry akong hindi na maka abot. 
Pila din ang elevator paakyat papuntang 7th floor. Pagdating dun, salamat na lang at 
walang nakapila at natapos agad nung kausap ko yung kelangan kong MSVS at ESAV. 
Ang bilis, wala pang 5 minutes tapos na.
Pinabayad nya ako ng one month para maging updated saka bumalik sa kanya. 


At sa wakas, hawak ko na ang MSVS at ESAV nya. Kumpleto na siya sa mga 
requirements sa housing loan.

Nakakatuwa naman, mabilis pala ang serbisyo kapag international o pang OFW.









I'm sharing this story para sa mga #pinoy #OFW na kung hindi pa kayo member at gusto nyo kumuha ng #PagibigHousingLoan pwede kayo mag online. Need nyo lang 24 monthly contribution para maging qualified sa housing loan program nila.
Sikapin nyong mayroon puntahan ang inyong perang pinaghihirapan dyan sa abroad. 
Gawin mong ka #partner ang pag ibig upang magkaroon ng #SarilingBahay
bahay na pauupahan mo para lumago ang iyong pinaghirapan.
Kung gusto nyong malaman pa kung paano, 
huwag kayong mahiyang magtanong sa akin.




Kung gusto nyo naman ng mga pabahay para sa mga OFW >>>click here 

http://bellavistacavite.weebly.com/







original story: Gil Ceriola 
This blog was posted in my facebook last