Taxi Driver, 10 years nangungupahan, may bahay na!
"Sa awa ng Diyos, nakapagpatapos na din ako ng college!
Graduate na ang anak ko. Ngayon, nag aapply siyang call center.
Siya na lang ang inaasahan kong mag aahon sa amin sa kahirapan.
Gaya nito,wala pa kaming sariling bahay, ten (10) na kaming
nangungupahan sa isang apartment sa Pasay. Matagal ko ng pangarap magkaroon ng bahay.
Hindi lang ako pasado sa mga dokumento na hinahanap nila."
Ito ang sinabi ng isang matandang Taxi driver na nasakyan ko noong December 2015.
Mejo nagmamadali ako nun papunta sa isang meeting pero dahil sa coding ako, nag Taxi
ako... syempre iwas huli.
Mukhang straight na Taxi driver si manong kaya sinimulan kong makipag usap.
Nakipagbiruan na din ako. Napili ko pa ngang biro ay yung "nasan ang peanut butter mo, manong?"
Naalala ko kasi yung na feature sa Jessica Soho na Taxi driver na nagtitinda ng peanut butter.
Mejo natahimik si manong. Sabi nya, hindi kasi stable ang kita ng Taxi driver kaya kelangan
ng ganun sideline. Bilib din sya sa diskarte nung Taxi driver na pinag uusapan namin. Napanood
din daw nya yun.
Dun na nagsimulang si magkwento tungkol sa anak na ginapang nya ang pag aaral
hanggang sa makatapos. Madami na daw naapplyan na pero hindi pa natatanggap.
Mukhang mataas ang chance na makapasa sa call center kasi final interview na daw eh.
Nakangiting kwento ni manong habang kumakabig pakanan sa kalsada.
"Bumili ako ng bahay nung empleyado pa ako. Mejo matagal din ako nagbayad para sa
downpayment kaya lang hindi ko na natuloy bago ko pa mabayaran ng buo yung down payment.
Nagsara kasi yung kumpanya kong pinagtatrabahuhan eh. Binalikan ko yung kausap ko para
alamin kung pwedeng mabawi yung mga binayad ko. Sabi nya, hindi daw pwede. Two (2) months
na lang tapos ko na yung downpayment. Ituloy ko na lang daw. Wala kasing refund.
Hinihingan pa ako ng mga bagong dokumento kasi expired na daw, updated daw dapat."
ito pa ang dagdag nya.
Kung sa ngayon, gusto nyo bang magkabahay? tanong ko kay manong. Syempre kaya lang wala
na akong maisasubmit na requirements eh. ID meron. Yung iba wala na, saka may edad na ako.
Nagba "boundary" lang ako sa gamit kong taxi." Tinanong ko siya kung magkano ang take home nya
per day yung malinis na kaltas na yung boundary at pa gas. Sabi nya kapag maswerte 1,500 pataas
kapag naman mahina 800 pababa. Sabi nya pa kung coding lang siya nagpapahinga.
Nagsimula na akong mag compute sa utak ko. Kung pinakamababa 800 at pinaka mataas 1500, kunin
natin ang average, so 800+1500 =2300 divided by 2 equals 1,150. Tinanong siya kung safe ba
sabihin na may average take siya ng 1,000 to 1,150. "pwede"sagot nya. Math uli. Kung 1,000 average
daily income nya time 26 days kasi may coding, pwedeng 26,000 ang monthly nya. Kung 1,150 x 26 = 29,900.
pwede sabi ko sa kanya habang pinapaliwanag ko na 26,000 to 29,900 ang posibleng kita nya buwan buwan.
Napangiti lang sya.
Buti na lang traffic dito sa Aguinaldo Highway at nakapag math pa kami. Sabi ko pa, kung 29,900 ang
kita mo buwan buwan, pwede kang makabili na bahay. Kung may requirements ka, gugustohin mo bang
bumili ng bahay? Oo, bakit hindi? May anak, kapatid, pinsan o kaibigan na pwedeng ipagamit sa inyo
ang pag ibig nya? Hindi ko alam kung papayag sila. Ganun ba, sino po ang nasa isip nyo ngayon?
Yung pamangkin ko na nagpapasok sa anak ko bilang call center. Nakatulong din ako sa kanya dati nung
ng nag aaral pa siya. Siya yung nasa isip ko. sabi ko, subukan kausapin at tawagan nya ako kung
ano ang resulta. Dahil malapit na akong bababa kaya kinuha ko na lang ang number nya at
binigay ko din ang number ko.
Halos three (3) months din ang lumipas na hindi ko nakausap si manong.
No comments:
Post a Comment