Wednesday, August 10, 2016
8 First Time Homebuyer Mistakes at Paano Ito Maiiwasan
Ready ka na ba bumili ng bahay dahil sawa ka na sa palipat lipat ng bahay na nire RENTahan? Malamang ready ka na kasi may regular kang trabaho o OFW ka na ngayon.
Kung ready ka na?
Tingnan mo itong ilang tips!
1. Hindi Inaalam kung Kaya na
Madalas sila yung mga kasama sa tripping at napapagaya lang. Pwede naman basta alamin mo lahat ng fixed monthly expenses mo kung may sobra pa sa sweldo mo, ito yung dapat na pang monthly mo sa bahay na kukunin mo.
Sila din yung sobrang dami ng nakausap kaya hindi na matandaan kung sino at ano nga ba ang binibili. Sila din yung impulse buyer kaya madalas hindi na tinutuloy after ng reservation.
2. Hindi dumaan sa Evaluation
Bago magreserve, pinapakita yung magiging cash out mo ngayon at sa mga susunod pang buwan at taon. Ang tawag dito ay Disclosure. Kung hindi pinakita sa iyo o hindi ka binigyan, obligasyon mong alamin.
3. Na convince ng mga FREEBIES
May mga Free items na sinasama, pero huwag naman ito maging dahilan para magdesisyon kang bumiling bahay mo. Stick with your purpose na bahay ang bibilhin mo at bonus na lang kung may mga FREE items. Nangyayari ito madalas sa open house. Lalo na kung mababa ang reservation fee at may Freebies pa. Kapag nag start na ang monthly payment magigising na lang hindi pala kaya ang monthly payment kaya ang resulta, back out. Sayang naman ang reservation fee. Sayang naman ang downpayment. sayang naman dahil non-refundable ito.
4. Hindi kasama sa pagdesisyon ang partner o spouse
Kung ikaw ay may asawa, hindi ito pwedeng maging sorpreso maliban na lang kung babayaran mo ng cash ang total price. Magiging conjugal property ito kaya kasama siyang pipirma sa mga loan documents lalo na kung thru pag-ibig housing loan.
Mas maganda kung magkasama kayo sa site viewing para naman walang sisihan mangyayari kapag pirmahan na at bayaran.
May nangyayari kasi na si sir ang ang nagtripping tapos nagreserve. Heto na need na ni mam pumirma sa dokumento. Hindi nya nagustuhan kaya nagiging dahilan tuloy ng hindi pagkakaintindihan. Ang ending, back out.
5. Hindi sinasabi ang totoong status
Kapag nag uusap mukhang okay ang lahat. Nagsisimula lang madiskubre kapag kailangan ng pumirma ng mga dokumento. Madalas mangyari ito. Separated na pala o matagal ng hindi magkasama. Kapag kinasal ka na, need na ng spouse mo pumirma din sa documents kahit matagal na kayong hiwalay lalo na kung thru pag ibig. Kung ganito ang case, need natin ng legal documents. Marami akong case na ganito na hindi na tumutuloy kasi ayaw nya maging kahati yung ex nya. Kung ganito ang case mo, kontakin mo ako.
6. Hindi nag site viewing
May mga nangyayari din na sobrang tiwala sa agent o sa AIF ( representative ng buyer, mostly relative na binibigyan ng SPA - Special Power of Attorney ), hindi na inaalam ang tunay na porma ng bahay. Sa case ng mga RFO, kung ikaw ay OFW, humingi ka ng pictures o video ng bahay. Sa case naman preselling unit, kahit video o picture ng model unit mula sa iyong inauthorized na relative.
7. Kulang sa Pagpapahalaga sa Importanteng bagay
Madalas lalo na sa first time home buyer, pagpapaganda ng bahay ang unang ginagawa. Nagpagawa ng gate, pinaganda ang excess na lote, binilhan ng mga mamahaling furnitures at appliances, kinabitan ng aircon. Okay lang itong mga ito kung may sapat na naitatabi para sa monthly payment. Madalas kinuha itong 25 years o 30 years to pay kaya hinay hinay lang.
8. Hindi Pumili ng Reliable at Experience Agent
Hindi porke nirefer ni pare o mare ay reliable na. Need mo din gumawa ng sariling research kung ano na ba ang nagawa ng agent mo. May experience na ba siya o ikaw ang una niyang sale? Okay lang na baguhan siya kung ang binibigay sa iyong information ay tama. Walang problema dyan. Itong agent mo ba nandyan lang sa kung magrereserve ka at kung may problema na hirap ng ma contact?
Pag aralan ng husto at kumuha muna ng sapat na information bago tumuloy.
Kumuha din ng sapat na information kung bakit HINDI tutuloy. Hindi pare pareho ang experience ng bawat isa. Ang nangyari kay Juan ay hindi nangyari kay Pedro
kaya huwag makinig sa sabi sabi. Sa huli, ikaw pa rin ang magdedesisyon.
Nakatulong ba sa iyo ito?
Kung may tanong ka? mag email sa obiznez@gmail.com
Please Like & Share my facebook page
Pwede din magtext sa aking Globe/Viber/Whatsapp: 0917-489-4465
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment