ito ang sinabi sa akin nung nag site viewing kami.
Kaya naman nagmamadaling silang makalipat.
Dinala ko sila sa mga units na gawa na at resale.
Dahil resale units konting repair na lang ang kailangan
at posibleng makalipat agad sila in one to two weeks.
Inalam nya ulit sa akin ang lahat ng requirements at
sinimulan namin sa mga IDs, payslip at proof of billing
na dala nya. Nag fill up na din siya ng loan documents.
Matapos mag fill up, nagbayad kami sa cashier para sa
kanyang reservation. Pagkatapos nun, habang hinahatid
na namin siya parang nakahinga na siya ng maluwag.
Alam mo yung hitsura ng tumakbo ng matulin tapos huminto.
Ganun ang pakiramdam nya. Dun na siya magsimulang magkwento.
"Pinapaalis na kami” ang panimula nya ulit.
Pinapaalis na sila sa susunod na buwan at sinabihan sya na
pwede nilang magamit yung kanilang deposit.
Pero makalipas ng dalawang araw pagkatapos syang sabihan, yun na.
Nagulat na lamang sila ng binigyan sila ng isang linggo
para makahanap ng malilipatan. Wala silang magawa dahil
gagamitin ng kamag anak ng may ari ang bahay na inuupahan nila.
Pakiramdam nya para silang nasunugan kasi biglaan ang lahat.
Ang pagkakaiba lang kapag nasunugan ka minsan wala ka ng
maililigtas pero kapag ganito may pagkakataon ka pang maghanda
kahit konting panahon. Magdudugtong pa sana ako ng parang
naterminate sa trabaho pero napansin ko nagsimula ng tumulo
ang kanyang luha. Sa simula kaunti habang tumatagal medyo
garagal na ang kanyang boses yung parang parang batang inaapi
habang nagkkwento.
Tiniis daw nila ang pagtira doon kasi naman, tuwing nagigipit
daw ang may ari lagi silang kinukunan ng advance payment.
Dahil sa hindi naman sila makatanggi, binibigyan na lang kaya
ang nangyayari sila ang naghihigpit ng sinturon dahil nasisira
ang budget nila. May mga time pa nga na two (2) times na lang
silang nakain sa maghapon.
Nanghihinayang din siya dahil ang daming improvements ang
nagawa na nila dun. Sila ang nagpa tiles ng flooring ng buong bahay
kasi naman napamahal na sa kanila yun. Binago din nila ang wall painting.
Light green kasi ang kulay nun, pinaalam naman nya bago nya gawing kulay cream.
Pinalagyan din nya ng shower ang toilet nila. Malaki talaga ang panghihinayang nya
lalo na ng naalala nya na tatlong taon na pala sila dun.
Kada taon tinataasan daw sila ng renta. Nagsimula daw sila sa 4,000.
Nang sumunod na taon naging 4,500 at naging 5,000 na nga.
Naghanap sila ng mauupahan pero hinihingan sila ng one month advance
at two month deposit. Tapos gastos pa sa paghahakot.
"Nakaka stress"sabi nya. Kaya nasabi nya mas maganda siguro
kung may sariling bahay na sila.
Marami na silang ads na nakikita sa facebook at meron din mga flyers.
Hindi nila pansin lalo na yung mga inaabot sa kanilang flyers sa mall,
sa palengke at sa kalye. Hindi sila naniniwala sa mga Lipat Agad
pero sa pagkakataon na ito kelangan nila kaya naghanap sila sa
facebook ng Lipat Agad at nakita nila ang ad ko.
Kaya naman ng makita nila ang ad ko tinawagan nila agad ako.
Nakita nila na medyo mababa lang ang kelangan ilabas o downpayment.
10K lang kasi Lipat Agad eh. Nakita din nila na madaling makalipat at
sa Cavite din ang lokasyon. Kaya naman hindi sila nagpatumpik tumpik
pa at nagpa set agad ng tripping.
Isang taon na pala ang nakalipas. Naalala ko nung bagong lipat sila.
Hindi na nila talaga pina ayos. Linoleum lang ang kanilang flooring at
hindi na din nila pinalagyan ng rooms o partition. Pero ngayon maayos na ang lahat.
Nasabi ko sa kanya nitong huling dalaw ko na meron palang batas
sa pagrerenta pero ang sagot nya sa akin mas maganda na itong naging
aksyon nila kaysa makipag talo pa. Tatagal lang at baka magastusan pa
sila bukod sa abala!
Sabagay, napag isip isip ko tama ang naging kilos nya. Napaka”mature”
ng pag iisip nya. Pinapakita lang nya na mas mahal nya ang sarili nya
kaysa mag create pa sya ng panibagong problema. Panibagong sama ng
loob nga naman yun kung hindi din sya mananalo laban sa landlady nila.
Humahanga ako sa iyo sa pinili mong sulosyon dahil permanente ito.
Masaya akong i share ang kwento mo sa iba upang gayahin at magkaroon
din sila ng katiwasayan.
Salamat naman at naging bahagi ako ng pagbabago sa kanilang buhay.
Kung nakarelate kayo comment naman sa baba. Kung kayo ang nasa
katayuan nila, ano ang gagawin nyo?
Ganun ba ang gagawin nyo o gagamitin nyo batas at ipaglalaban
ang sitwasyon nyo. Kung may istorya na katulad nito, share naman.
original story: #GilCeriola Jan. 13, 2016
updates: http://bellavistacavite.weebly.com
profile: https://www.facebook.com/gilceriola
website: http://decahomescavite.com
email: obiznez@gmail.com
globe/viber/whatsapp: 0917-489-4465
PS.
Kung naghahanap kayo ng townhouse o condo sa Cavite o saan man,
Free Motorcycle Testimony:
Read my other blogs:
No comments:
Post a Comment