Monday, July 18, 2016

Canteen owner nakakuha ng bahay kahit walang pag ibig

 
Bago lang din ang canteen ko kaya wala pa din akong mga requirements na maipapakita.
Decided na akong magkabahay, pwede mo ba akong tulungan?"

Ito ang mga chat messages sa akin ni Luisa sa facebook. Sa sitwasyon nya t'yak
na hindi siya pasado dahil nga wala siyang mga requirements para sa pag ibig housing loan.

Nagpatuloy ang aming chat. Tiningnan namin ang mga options na pwedeng gawin.
Sinimulan namin sa asawa nya, sumunod ang mga kapatid nya. Hanggang sa masabi nya sa akin
na ang kapatid nya sa probinsya ay may work, may asawa at matagal ng pag ibig member.

Napako ang aming atensyon sa kapatid nya. Napagkasunduan namin na subukan n'yang tanungin kung papayag na gamitin yung mga papeles ng kapatid nya sa pagkuha ng bahay. Sinabihan nya ako na kinabukasan bibigyan nya ako ng feedback.

Kinabukasan, natutuwa siyang binalita sa akin na pumayag ang kapatid nya. Ibinigay ko sa kanya
ang lahat ng mga papel na dapat niyang papirmahan at listahan ng mga requirements na kailangan.

Makalipas ang apat (4) na araw, hawak na nya ang mga original requirements at ang pirmadong
loan documents.


Pero mayroon pa kaming kulang na isang requirement, ang checking account. Need n'ya din
magsubmit ng nine (9) post dated checks.

Nagsimula na naman kaming "magbrainstorm" kung ano solusyon.
Sa isang malinis na papel, sinulat ko ang aming challenge
"Paano magkaroon ng checking account?"
Sumulat ako ng 1 to 5 at isa isa kong pinunan ng aming naiisipan.
1. Mag open siya ng checking account
2. Mag open yung kapatid nya na nasa probinsya ng checking account
3. Manghiram siya ng checke
4. Mag open yung kahit sinumang kamag anak nya na may trabaho o negosyo 
5. Mang hiram ako ng checke 

Una, pwede siyang mag open ng checking account sa aming tie up na bangko. Naisip namin na
kulang sya sa requirements kaya bagsak ang option na ito.

Ikalawa, pwedeng mag open yung kapatid nya, mag open sa probinsya ng checking account?
pwede? mejo may kalayuan sa bayan yun bahay nila kaya hindi na namin inisip na gagawin n'ya ito. kung pumunta siya sa Cavite
Pumunta dito sa Cavite para mag open? naisip nya na hindi mag aabsent yun para lang
mag open ng checking account dahil sayang ang sweldo at mahal ang pamasahe kaya bagsak
din ang option na ito.

Ikatlo, manghiram siya ng checke sa kamag anak o kaibigan. Pinasulat ko sa kanya ang mga
posibleng pwede. Mula sa kapatid, pinsan, tiyo at tiya. Sa dami siguro ng naisulat kaya
nagdecide siya na gawin na ito.
 

Pagkalipas ng tatlong (3) araw, wala pa rin siyang feedback sa akin kaya minabuti
kong tawagan siya sa cellphone. Nalaman ko na hindi pa din siya nakakakuha dahil
nagbago ang isip ng kausap nya. Tinanong ko yung naging usapan nila at halatang naniniguro
yung kausap nya na hindi tatalbog yun checke n'ya kaya ang sabi ko sa kanya kung may
extrang pera siya, pondohan nya yung first two (2) checks na iisyu nya ng sa ganun hindi
mag alala yung kausap nya. Yun nga ang ginawa nya at kinabukasan nasa office na kami
para mag isyu ng checke.

Sa ngayon, nagpaparenovate na siya ng bahay nya. 

Meron na ding metro ng tubig at Meralco kaya tuwang tuwa siya 
dahil nung una naisip n'ya na hindi na siya magkakabahay. 
Ang sabi pa n'ya " sayang, kumuha muna sana ako ng 
pag ibig housing loan bago ako nag resign"

Kung katulad ni Luisa ang sitwasyon, pwede pa yan. 

Itanong mo sa akin, pag usapan natin.

Abangan nyo ang sunod kong kwento 

"Taxi Driver nagkabahay din" alamin kung paano nya ginawa ito.

Mag PM ka kung gusto mo ng kopya.


"Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Tama ba? "


Naka relate ka ba? 


Gusto mo na rin bang magkabahay?

Tingnan mo ito. >>>>click here

original story by Gil Ceriola
May 3, 2016

No comments:

Post a Comment