Tuesday, September 13, 2016
10 Steps HOW TO RESERVE in Bella Vista
1. Gawin ang self assessment
Alamin mo sa sarili mo kung decided ka na bumili ng bahay.
I assess mo din ang kakayahan mo sa pagbabayad ng
downpayment at monthly payment.
Pwede mong hingin ang tulong ng iyong agent o kapamilya sa
bagay na ito.
Kung okay na?
Go tayo sa next step.
2. Alamin ang mga requirements para sa Pag ibig Housing Loan
Kapag alam mo na, simulan mo ng kumpletuhin ito. Sabihin mo
sa agent mo kung kumpleto na at handa ka na.
Kung may kulang, sabihin mo sa kanya at
alamin kung paano ka nya matutulungan.
Ihanda at dalhin sa site orientation at site viewing.
Kung okay na, next step tayo.
3. Mag set ng schedule for site viewing at pag attend ng site orientation.
Siguraduhin na complete o almost complete na ang mga requirements.
4. Umatend sa On Site Orientation
Dalhin mo lahat ng mga requirements na kailangan dalhin
upang hindi pabalik balik.
Tanungin mo na lahat ng information na kailangan mo sa
agent mo bago ka pumunta dito.
I compare mo lahat ng information na malalaman sa nalaman
mo mula sa agent mo at sa orientation na ito.
Mabuting dumaan sa procedure na ito para maiwasan
ang "misrepresentation" kaya huwag ipagwalang bahala.
*Kung ikaw ay OFW at ang umatend ay ang iyong atty in fact o relative
mas maganda kung ipa record ang orientation para walang ma miss na isyu
at ipadala sa iyo ang video.
5. Tingnan mo na ang unit na ipapakita sa iyo ng agent mo.
Kung nakapili ka na at satisfied ka sa unit, ibigay mo na
sa agent mo ang mga requirements.
* Kung ikaw ay OFW at nasa abroad, ipavideo mo sa atty in fact o relative o
sa agent mo ang unit at isend sa iyo.
6. Humingi ng sample computation sa coordinator
Kung malinawag lahat ng item dun, magpa print na ng
Disclosure Statement.
Nakasaad sa disclosure lahat ng babayaran at kung kelan,
yung unit na napili mo.
7. Mag fill up na ng Loan Documents
Dalawa ito. Ang isa ay para sa in house at isa naman ay
para sa Pag ibig.
Kaya kailangan ng dalawang kopya ng mga requirements mo.
Kung tapos na, Go tayo sa next steps.
8. Evaluation at Interview
Aayusin ng coordinator ang mga papel mo at ipipila ka sa
evaluation at interview.
Ginaganap ito sa Marketing Office.
Magtatanong sila at iko confirm lahat ng inyong sinulat
Dito na rin ino audit kung kumpletong nasulatan ang mga
papeles.
Malaman mo din dito ang iyong schedule of payments sa
in house at pag ibig.
9. Pay the reservation fee sa cashier
Make sure na makuha mo ang OR at itabi ito at huwag iwala.
10. Tapos na. Hintayin ang tawag ng Accounting Office para schedule ng orientation
para sa pag take out!
Congrats! May bahay ka na!
Nakatulong ba sa iyo ito?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment