Nalaman kong binabawasan siya ng pag ibig contribution kaya lang nung tinanong ko siya kung ano ang pag ibig ID number nya hindi nya maalala.
Nagrequest siya sa agency nya sa Manila ng certification ng kanyang mga
deduction sa pag ibig. After 2 days, nasend na nya sa email ko at viber.
At that time, hindi pa namin napipili kung sino magiging representative
(AIF -Atty in Fact o SPA ) nya kaya ako muna ang nag check.
yung (SPA ) representative ang kumukuha pero sa case na ito wala pang
pag ibig ID number o hindi namin tiyak kung meron o wala.
Pumunta ako sa pinakamalapit na Pag ibig office ( Pag-ibig Imus, Cavite )
at nagverify ako tungkol sa Pag ibig ID number nya. Lumabas na "no results found".
Ibig sabihin wala pa siya. Tinanong ko kung ano ang dapat gawin.
Nagpunta ako sa isang room para sa new member.
Mabuti na lang nasa akin na ang mga info nya kaya nakagawa ako
at nakapagregister sa computer. Parang online din.
Nagpunta ako sa isang room para sa new member.
Mabuti na lang nasa akin na ang mga info nya kaya nakagawa ako
at nakapagregister sa computer. Parang online din.
After 2 days, binalikan ko ang pag ibig branch at nakuha ko ang
Pag ibig ID number nya.
Nang pumunta na ako sa room para makuha yung MSVS at ESAV,
sinabi sa akin na kung saan nagreremit ang agency nila doon ako
pumunta para kumuha ng MSVS at ESAV.
( MSVS- Member's Status Verification Slip )
( ESAV - Employee Statement of Accumulated Value )
Pumunta ako ng Manila sa agency nila pero dahil hapon na at matratraffic ako
kaya tinawagan ko na lang at nalaman ko na sa Buendia, Makati sila nagreremit.
Hindi na ako aabot ka pinagpabukas ko na lang.
Kinabukasan, may tripping ako ng umaga kaya nagawa kong pumunta after lunch na. Matraffic sobra sa Makati, almost 2 hours ang byahe ko mula Cavite.
Dahil hinanap ko pa, lumagpas ako at sa wakas narating ko ang
parking lot ng pag ibig office sa Malugay St. pero puno at wala akong maparkingan.
Umikot akong muli at nakita ko SMJazzMall, tamang tama
gutom na ako kaya dun na lang ako nagpark at kumain.
parking lot ng pag ibig office sa Malugay St. pero puno at wala akong maparkingan.
Umikot akong muli at nakita ko SMJazzMall, tamang tama
gutom na ako kaya dun na lang ako nagpark at kumain.
Pagdating ko sa Pag ibig office, malapit ng mag 5PM...
nag worry akong hindi na maka abot.
Pila din ang elevator paakyat papuntang 7th floor. Pagdating dun, salamat na lang at
walang nakapila at natapos agad nung kausap ko yung kelangan kong MSVS at ESAV.
walang nakapila at natapos agad nung kausap ko yung kelangan kong MSVS at ESAV.
Ang bilis, wala pang 5 minutes tapos na.
Pinabayad nya ako ng one month para maging updated saka bumalik sa kanya.
At sa wakas, hawak ko na ang MSVS at ESAV nya. Kumpleto na siya sa mga
requirements sa housing loan.
Nakakatuwa naman, mabilis pala ang serbisyo kapag international o pang OFW.
I'm sharing this story para sa mga #pinoy #OFW na kung hindi pa kayo member at gusto nyo kumuha ng #PagibigHousingLoan pwede kayo mag online. Need nyo lang 24 monthly contribution para maging qualified sa housing loan program nila.
Sikapin nyong mayroon puntahan ang inyong perang pinaghihirapan dyan sa abroad.
Gawin mong ka #partner ang pag ibig upang magkaroon ng #SarilingBahay o
bahay na pauupahan mo para lumago ang iyong pinaghirapan.
Kung gusto nyong malaman pa kung paano,
huwag kayong mahiyang magtanong sa akin.
Kung gusto nyo naman ng mga pabahay para sa mga OFW >>>click here
Kung gusto nyo naman ng mga pabahay para sa mga OFW >>>click here
original story: Gil Ceriola
This blog was posted in my facebook last
No comments:
Post a Comment