Saturday, July 16, 2016

Mga dapat alamin sa pagbili ng bahay at ng hindi mo pagsisihan sa huli.

Alamin kung paano maiwasan magsisi sa pagbili ng bahay.


“Sana hindi na lang ako nagreserve!”
“Sana hindi na lang ako  nagreserve! “
ito ang sinabi ng mother ng client ko na

nagreserve sa  bella vista.
Matindi ang pagsisisi at panghihinayang, dba?
Pagkatapos  kasi namin mag submit ng mga dokumento,
na check ng pag ibig team na expired yung job contract nya
( ibig sabihin naka anti dated pala ). 
2013 eh... hindi namin napansin yun at pinalala pa
ng sitwasyon, nandito  pa siya sa pinas.
Nung inalam namin, pinapirma siya ng job contract 
nung agency pero walang date na nilagay.
Nalaman pa din namin na ginamit  pala yun sa loan.

Dahil dito nagka gulo na lalo, nag desisyon na
huwag ng mag abroad yung aming client na ofw dapat. 
Kung ikaw? Ano ang gagawin mo?
Malamang ito  din ang sasabihin mo
“Sana hindi na muna ako nagreserve!”

Problema na ito dahil balak ng mag back out yung
mother ng client namin. Ayaw na nyang ituloy kahit
alam nyang hindi na nya mababawi ang pinang reserve nya. Mukhang decided na.

Ang sabi ko sa sarili ko, may solusyon ito. 
Kaya pinilit ko silang magbigay ng posibleng solusyon. Ang goal namin ay makapag submit

ng
lahat ng dokumento sa loob ng  pitong araw para
ma avail ang promo na FREE Motorcyle. 

Ito kasi ang  nakatawag ng pansin sa kanila kaya siya
nag inquire eh bukod sa talagang decided na silang bumili
na ng bahay kasi ayaw na nilang mangupahan.  

Habang nakatingin ako sa kanila, dama ko ang panghihinayang
sa mother ng  client ko.  Malamang masasayang ang pagkakataon
na makuha ang promo.   Balik ulit kami sa umpisa dahil naiba na ang status, OFW to

locally  employed.
Mabuti na lang at hindi pa nakakapag resign yung aming client
pero  may isa pang isyu. 
Ang sweldo nya kapag locally employed ay hindi sapat 
para sa required income o NDI ( Net Disposable Income ). 

Whew! panibagong obstacle.  Naisip namin kasama yung
mother nya na idagdag yung kapatid nya na may trabaho din.
Pwede kasi kung single pa, kinoconsider ang kapatid
at pasok sa houshold income.

Kinausap namin yung kapatid. May panibagong obstacle
kasi hindi pa 24 months ang contribution ng kapatid
nyang babae!   12 months pa lang.

Patay tayo jan!  Mukhang bawi na naman yung mother ng
client namin!  Sabi ko icheck nya sa HR at i confirm
sa pag -ibig.  Kung kulang baka pwede i LUMPSUM yung
natitirang 12 months. Kung ganito, qualified na siya
sa  Pag-ibig housing loan. 

Sa wakas!  Ginawa din nila!  Bumalik sa pag ibig office
at sinabi sa kanila na need ng approval ng admin.  
Pagod na pagod na yung mother nung client ko sa paglakad nito.  
Mahaba din kasi ang pila dun.  Mukhang suko na! 
Sising alipin siya at  nasabi ulit na sana hindi na
muna ako nagreserve.  

Malapit na masolve pero mukhang susuko na.  Naikwento nya
kasi sa akin na hindi na sila nakapag tanghalian sa
pag aayos nito. 

Bumalik silang mag asawa kinabukasan sa pag ibig at sa wakas,
hawak na  nila ang updated ESAV. Ibinigay nya sa akin na todo
ang ngiti. Yung mukhang sobrang saya na para bang nanalo
sa Lotto ng Jackpot prize.  

Whew! Akala ko bawi na naman eh! Laban pala! 

Kapag gusto talaga, maraming paraan, hindi ba? Kapag may problema,
may solusyon! Problem solve! Mission accomplished.

Naisubmit namin ng mas maaga at na avail nila ang promo
na FREE  motorcyle. Nakalipat na sila ngaun sa bagong bahay
nila at hinihintay na  maapprove ang pag ibig housing loan para makuha ang kanilang

motor. Sa  first 3 to 4 months kasi
in house financing eh.  Gawa na kasi ang bahay at pwede ng lipatan.

  
Ang lesson namin dito:

Hindi talaga straight  line ang point A to point B. 
Ang ibig kong sabihin, may mangyayari talagang hadlang
lalo na kung hindi ka handa sa pagkakataon o  opportunity gaya ng "10K reservation lang

Lipat Agad May FREE Motorcyle pa" 

Malalampasan mo yan sa tulong ng mga taong napagdaanan na 
ang ganyang mga sitwasyon. Ang dapat mo lang gawin ay magtanong, 
magtanong ng magtanong hanggang sa maintindihan mo at matutunan mo.
 
Napakasarap sa pakiramdam na may na solve kang isyu.
Lalong napakasarap na malaman na may sobrang matutuwa
na ma solve mo ito.  

Subukan mo din humingi ng tulong at magpatulong ka. 
Karamihan kasi sa  tao ayaw na ayaw na tinutulungan sila. 
Humility o magpakumbaba ka! Kung ayaw mong magpatulong,
natitiyak ko na ayaw mo din tumulong.  

Pahabol:
May bad experience kasi ang mother ng client namin.
Nakapag deal na  siya noon sa ibang mga pabahay at
may mga problema din sila sa dokumento  dahil ang mga
nakuha niya yung hindi pa gawa kaya may kasama ng 
pagkainip. Matagal kasi bago makalipat. Dahil sa ganitong pakiramdam,  pinababayaan na

lang kaya talo.
Talo ang ang kanilang binigay na  downpayment. 

Ika-apat na palang may ganito silang isyu. 
Salamat na lang ngayon ay  naiba na ang sitwasyon dahil nagtanong sila at hinayaan nilang

may
tumulong sa kanila. Humingi din sila ng tulong na
masolve ang problema  kaya ngayon nakabili na talaga sila
at nakalipat na!

 
Ikaw? Anong gagawin mo? Ganito din ba? 
Salamat sa tiwala!  Salamat at hinayaan mo kaming
tulungan ka!  

Sa sobrang satisfied ng mother ng client namin,
kumuha pa ulit sila ng  isa pang townhouse unit
sa pangalan naman ng isa pa nyang anak na medyo
malaki ang salary!

Salamat sa tiwala! 

Salamat at hindi ka bumitaw nung tayo nagkakaproblema
sa dokumento! 



Pahabol ulit:
 Sa mga nais magkabahay at walang oras, walang sapat na
dokumento, walang sapat na pera pero maparaan, 
subukan nyong  magtanong kung paano.  Alamin lahat ng
options bago mo sabihin na hindi  ko kaya yan! 
Hindi pa pwede!  Wala akong pang down!  Wala akong oras  para mag ayos nyan! 

Kapag nalampasan mo ito, malaking accompishment yan
para sa sarili mo. 

Start with a small step! Magtanong! ASK! 

Kapag nagawa mo ito, level up...
hanggang masabi mo sa sarili mo na KAYA KO PALA!  

Pwede nyo akong tanungin.  Kung ayaw nyo naman pwede din
sa mga kilala nyo na agent din!  

Ikaw!  Iniimbitahan kitang i share ang iyong success story
sa pagkuha ng  bahay.

Success story inpires!  Kung failed stories naman,
pwede mo din  ishare sa akin.

From failures, we learn our lessons! 


Send mo sa email  ko,  “obiznez@gmail.com”
Thanks in advance!




original story: Gil Ceriola  Jan. 8, 2016  


Read my other blogs:
http://bit.ly/helpmefind
http://bit.ly/ScamBaYan
http://bit.ly/NagsisiAko
http://bit.ly/pinapaalisnakami




Pahabol Pa Ulit:

Ngayon ay July 15, 2016 na at nabalitaan ko sa kanila natake out
na sila sa Pag-ibig.

No comments:

Post a Comment