Thursday, October 12, 2017

Ang Pangako ng OFW


Natatandaan mo ba nung bago ka pumunta sa abroad sabi mo " mag iipon ako at bibili ako ng bahay".
Ngayon, malapit na naman ang oras ng mga bayarin ng mga naiwan mo sa pinas kaya kausap mo sila.
Tuwang tuwa ka dahil kahit paano nababawasan ang lungkot mo dahil kausap mo sila. Nakikita mo silang nakangiti kasi may hinihiling.
Yung anak mo humihiling ng smart phone para daw lagi kayong makakapag-usap dahil gusto mo rin pumayag ka. Dahil mahal mo, hindi mo kayang tanggihan. Hindi mo mahindian kaya heto hinahanda mo na ang inyong ipadadalang pera.
Paulit paulit na ganito, kaya hindi pwede tumigil. Sabi mo pa hanggang makatapos si Junior, tapos uuwi ka na sa pinas for good.

Pero ngayon singkwenta ( 50 ) ka na, nasa abroad ka pa din. Mabuti na lang at gusto ka pa din ng amo mo kaya nirerenew ang contract mo.
Kumusta na ang bahay na sinabi mo sa sarili mo na bibilhin mo nung unang taon na pumunta ka sa abroad. Natabunan na ng ibang pangangailangan.
Noon, mura pa lang ang monthly, nung trenta ( 30 ) anyos ka pa lang. Marami ang nag aalok sa iyo pero ang sabi mo ayaw mo ng hulugan, gusto mo bibilhin mo ng cash kaya pag iipunan mo muna.
Lumipas ang maraming taon. Hindi ka na nakapagtabi. Kung nakakuha ka lang sana noon, bayad na yan ngayon.
Nakakapanghinayang ang dalawampung ( 20 ) taon na nasa abroad ka pero nakalimutan mong tuparin ang sinabi mo sa iyong sarili na bibili ka ng bahay.
Sabi mo na lang sa sarili mo " hindi bali napagtapos ko naman ang mga anak ko". Tama ka dyan. Yung nakapagtapos mong panganay, nakapag asawa na, may sarili na ding pamilya.
Yung dalawa ( 2 ) mo pang anak, nakapagtapos na din pero hindi makahanap ng trabaho at nakatira pa din sa nirerentahan nyong bahay.

Sayang ang panahon. Nagrerenta pa din ng bahay ang iyong pamilya hanggang ngayon pero huwag kang mawalan ng pag asa, kabayan.
Pwede ka pang magkabahay, kukurot ka lang ng konti sa iyong kinikita ngayon para sa bahay.
Pwede na ba ang kurot na 2k kada buwan sa iyo? Kung pwede sa iyo yan, kabayan usap tayo, tutulungan kita magkaroon ng sariling bahay.
Hindi pa huli ang lahat. Madali lang magkabahay ngayon sa pinas kahit nasa abroad ka. Pwedeng pwede.

May mga seaman ngang nasa laot ng kumuha, natulungan ko eh. Ngayon take out na sila sa pag-ibig at nakalipat na sila sa sarili nilang bahay.
Napakasarap kaya ang nakatira sa sarili mong bahay. Kaya kung sisimulan mo ngayon, pag retire mo malamang fully paid mo na ang bahay.

Simulan mo na! Ngayon na. Tawag na. Usap tayo.

facebook: fb.com/gilceriola
Globe/Viber: 0917-489-4465

No comments:

Post a Comment