Thursday, October 12, 2017

Do you want your housing loan to be almost guaranteed to be approved? Know these 3 basic requirements.






 Do you want your housing loan to be almost guaranteed to be approved?
Know these 3 basic requirements.

Natatagalan ba tayo bago ma approved ang inyong housing loan?
Pabalik balik ba tayo sa pag submit ng mga requirements?
Naiinis ka na ba sa mga ganitong pangyayari?
Malalaman natin ang lahat ng tungkol dito hanggang sa dulo ng blog na ito.

Sa ngayon, pls click Like & Share button.

Ano ang basic requirements para sa housing loan?
Ang mga basic requirements para sa tatlong ( 3 ) paraan ng housing loan gaya ng 1. thru pag-ibig financing 2. thru bank financing 3. thru in-house financing
ay ang mga sumusunod
1. proof of identity 2. proof of residency 3. proof of income
Pag usapan natin bawat isa ang mga ito...
1. Proof of Identity karaniwan ito yung mga ID's na galing sa gov't agency ang tawag dito ay PRIMARY IDs
⇨Passport - ito ay nakukuha sa DFA ⇨Driver's License - ito naman ay nakukuha sa LTO ⇨Social Security System ( SSS ) Card - nakukuha sa kahit saang branch ng SSS ⇨Government Service Insurance System ( GSIS ) - kung ikaw empleyado sa kahit anong gov't agency ⇨Tax Identification Number ( TIN ) - nakukuha sa pinakamalapit na branch ng BIR ⇨Voter's ID - ito yung ginagamit sa pagboto ⇨Postal ID - nakukuha naman sa Post Office ⇨Senior Citizen Card - karaniwan para sa mga matatanda at nakukuha sa bgy office o sa munisipyo ⇨Integrated Bar of the Philippines ID ( IBP ) - para naman sa mga abogado ⇨Overseas Workers Welfare Admin ( OWWA ) ID - karaniwan nakukuha sa OWWA office ⇨Seafarer's Identification and Record Book ( SIRB ) - para naman sa mga seaman ⇨Govt Office and GOCC ID gaya ng AFD ID, Pag-ibig Loyalty Card
yung mga hindi nakalagay dito icomment nyo para alamin natin kung kasama sa tinatanggap nila
2. Proof of Residency ito naman ang pag papatunay na ikaw ay nakatira dito sa Pinas karaniwan ito yung mga bill ( mga address kung saan ikaw ay sinisingil ) gaya ng:
⇨Meralco bill ⇨Water Bill ⇨Credit Card Monthly Bill ⇨Cellphone Monthly Bill ( kung ikaw ay Post paid)
⇨Cable Monthly Bill ⇨Internet Monthly Bill kung may naisip ka, pakidagdag mo lang sa ibaba
3. Proof of Income syempre, hindi mawawala ito kasi ito ang tinitingnan nila kung kaya mong bayaran ang monthly mo. Normally, kino compute nila na dapat ang monthly payment mo ay 35% to 40% lang ng monthly income mo. Kung ganito may matitira pa sa iyong panggastos para sa iba pang bagay gaya ng pagkain, pamasahe, gasolina, load, internet, at marami pa.
ang proof na yan ay ang mga gaya ng:

⇨payslip -para sa empleyado, direct hire ka man o sa agency dapat mayroon ka nito. Tinatago mo dapat ito para magamit sa pagkakataong katulad nito sa pagkuha ng bahay.
>latest dapat na buong buwan, kapag sinabing buong buwan from 1 to 30, hindi kalahati na 15 to 30 ng last month tapos 1 to 15 ng ngayon buwan.original copy dapat at hindi photocopy
>ang pinapayagan lamang ay ang BASIC, PERA, COLA at yung mga allowance na may value ( monetary )
⇨certificate of employment - ito naman yung patunay na ikaw ay lehitimong empleyado. nakalagay dito kung kailan ka tinanggap, ano posisyon mo at nakalagay din dito ang "breakdown" ng sweldo mo BASIC, PERA, COLA at yung mga allowance na may value ( monetary )
>Kailangan din dito may letter head ng company pinagtatrabahuhan mo. Kung employment agency yan, yung letter head nila ang dapat makita at pirmadong ng "authorized person". Sa ibang company, president, yung iba naman kahit HR Manager pwede na.
>original copy dapat at hindi photocopy
⇨ Job Contract - karaniwan sa mga OFW naman ito. Kung nasa "foreign language"nakasulat ang contract, kailangan may english translation. kung wala nito o yung ibang OFW hindi na nagrerenew, certificate of employment, tinatanggap din.
⇨ Certificate of Engagement - ito naman pinapayagan sa mga hindi empleyado pero kumikita naman at may kakayahan bumili ng bahay. pwede ito sa mga socialized housing, yung P450,000 ang price pababa o yung mga row house. Ang mga halimbawa nila yung mga tricycle driver, jeepney driver, bus driver, uber driver, angkas driver, yung mga commission bases na ahente, at marami pa.
>may form na pinapa certify sa bgy charman o bgy captain, patunay na ganun ang kanyang trabaho at ganun halaga ang kinikita nya, pagkatapos pinapa notaryo sa law office para maging legal na dokumento.
⇨ Audited Financial Statement For 2 Years at BIR Tax Payment para naman ito sa mga may business, single proprietorship, partnership o corporation.
Kung may natutunan ka at nagustuhan mo ito, i Share mo sa mga nagtatanong sa iyo. Kung may nais kayong itanong, topic na gustong pag usapan basta tungkol sa pagkuha ng bahay, magcomment po sa baba at iclick nyo ang Like & Share button.

Gil Ceriola Facebook: fb.com/gilceriola Globe/Viber: 0917-489-4465
Smart: 0912-541-2602

No comments:

Post a Comment