Monday, March 13, 2017

Home Buying Tips #2 Decided Ka Na Ba?




Madalas ang sinasabi nila, "pag iipunan muna namin yung downpayment"
Tama naman, kaya lang karamihan walang disiplinadong paraan ng pag iipon 
kaya hindi din nangyayari. Marami ang natutukso sa mga sale.

Kung nakapag ipon naman, nagtaas na ang presyo ng bahay 
kaya tumaas na din ang downpayment.

Meron naman, wala ng available dun sa block na nakita nila, 
nasa dulo na kaya ayaw na nila. Kaya hanggang ngayon, 
nagrerenta pa din sila.

Ang punto ko dito kung gusto talaga, pwedeng gawan ng paraan. 
Ang pagkakataon o opportunity ay minsan lang dumating kaya 
kung hindi ka handa mabilis lang itong mawawala.

Mayroon akong naitripping, dinala ko na siya sa apat na subdivision, 
pero dahil hindi perfect match sa sitwasyon nya noon, 
lagi siyang hold sa desisyon nya. 

Nung gusto na nya, wala ng available unit dun sa subdivision. 
Ang ginagawa na lang namin ngayon ay nag aabang ng re open units 
pero tatlong buwan na, wala pa din kaya nagrerent pa din siya 
pero noon ang sabi nya gustong gusto na nyang umalis doon.

Ngayon naman, may inaalok ako sa kanya na reservation lang 
at walang downpayment. And downside lang ay medyo matagal 
bago siya makakalipat.

Ayaw pa din nya kasi nga gusto niya makalipat agad. 
Kaya lang wala naman siyang malaking pang downpayment 
para makalipat agad.

Ang buyer kong ito nagreserve habang may bagyo sa Cavite.
Kung gusto mo makita ang video click here
Nakakuha kami ng RFO unit kaya unit inspection agad,

Walang perfect timing. 
Meron lang nito sa handang pag iisip.
Decided na pag iisip. Maparaan na pag iisip at maagap na pagkilos.
Ito ang meron sa mga maswerte at maagap nating kababayan 
na madalas makakuha ng main road, corner unit at end unit.

Sana may natutunan kayo.

Paki LIKE & SHARE para may mapulot na iba ang iba nating kaibigan.


Bukas ulit! Kung may tanong ka iPM mo ako :)
***********************************************************************
kung gusto mo makatanggap ng ibang Tips at derecho
sa email mo
***********************************************************************
sign up here https://goo.gl/forms/oUVYN1EXXk5VKoAy1

No comments:

Post a Comment