Monday, March 13, 2017

Home Buying Tips #1 Kaya ko na ba?















Isa sa mga kinakakatakutan ng mga "home buyers"
ay ang "malaking monthly payments." 
kaya madalas ang tanong nila, "magkano monthly?" 
tapos kapag sinabi mo na, susundan agad ng
"HINDI KO KAYA YAN" ( without thinking )
kung minsan tahimik na lang
pero kapag tinanong mo sila kung nagrerenta,
tyak na Oo ang sagot
at kung sa Cavite yan, nasa 4K pataas ang monthly nyan.

May kilala nga akong taga Bacoor, ang rent nya sa apartment 5K
ang sabi pa nya sa akin hindi daw siya tinataasan ng renta,
ayaw daw nya bumili ng bahay kasi 
forever daw ang pagbabayad nito pero nung tinanong ko siya, 
mahigit 10 years na sila nagrerenta dun... hahaha

Ang rent ay forever cost din at tumataas din ito, kung hindi every year, 
pwedeng every 2 years depende sa landlord mo.

tingnan mo ang nasasayang na pera kung sinagot mo ay Oo, kaya ko na


















Kaya naman ang standard rule sa ganyan ni pag ibig o bank,
dapat 30% hanggang 35% ang monthly payment ng total household income.

Halimbawa, para sa mabilis na computation.
kung ang monthly amortization mo ay 5K every month,
dapat may combine income kayong mag asawa ng 14K to 15K
para maging sapat para sa iba pang gastusin. Tingnan mo.















pwede di ba?
sa tingin ko, base dito pwede ka na magdecide na kaya mo
ang monthly amortization sa bahay na kukunin mo.


Nakatulong ba sa iyo ang article na ito?

Kung may natutunan ka, paki LIKE & SHARE naman.
***********************************************************************
kung gusto mo makatanggap ng ibang Tips at derecho
sa email mo
***********************************************************************
sign up here https://goo.gl/forms/oUVYN1EXXk5VKoAy1 pwede ka din magtanong!

No comments:

Post a Comment